Monday, March 11, 2013

RESPETO: Diyos, Gobyerno, Magulang, at Kapwa

#5


                Ano nga ba ang respeto? Nakikita pa ba ito sa mga tao ngayon? lalo na sa mga bata? Ano ano ang mga bagay na kailangan i-respeto? Respeto sa sairili at respeto sa ibang tao. Pareho itong mahalga sa panahon ngayon. Sa totoo lang ay nawawala na ang salitang respeto sa atin ngayon. May mga bata sa kalye na sobra sobra magmura, daig pa ang mga matatanda. Pero bago ang lahat dapat ang respeto ay magaling muna mismo sa sarili mo. Paano ka rerespetuhin ng mga nasa paligid mo kung ang sarili mo mismo ay hindi mo marespeto at hindi karespe-respeto. 

                 Nakakalungkot lang isipin na pati sa mga bata ay nawawalan na ng gantong ugali. Yung mga tipong simpleng pagsagot nila sa magulang at pagsuway. Marami narin ang nakakalimot sa pag sabi ng "po at opo" na isa sa kilalang paraan ng mga pilipino sa paggalang. Yung pagmamano sa mga matatanda at pag sunod sa mga utos nila. Eleksyon nanaman at marami nanamang magkakalaban na politiko ang magbabangayan. Respeto naman sana sa magiging desisyon ng taong bayan wag daanin ang mga bagay sa pera. Hindi sa lahat ng oras ay kayang bilhin ng pera. Pangsusulsol sa mga taong bayan. Pwede pa natin mabago ang lahat. Ibalik ang mga tamang gawin at ugali para ang ating bansa ay umunlad. Lagi natin tandaan na nasa tao ang gawa.

1 comment: