Monday, March 11, 2013

Serbisyo/Paglilingkod

#7

                   Serbisyo at paglilingkod ay parehas lamang. Ito ay ang gawaing isinasagawa ng isang tao o isang pangkat ng mga tao para sa kapakanan ng madla o institusyon nito. Isang gawain ang ma-ihahambing dito ay ang pagboboluntaryo kung saan ay kusang paggawa o paglingkod sa isang bagay, minsan hindi na sila humihingi ng kapalit. Ngunit, hindi lahat ng mga taong nagbibigay ng serbisyong pampamayanan ay tinatanaw bilang isang boluntir, dahil ilan sa mga taong nagbibigay ng paglilingkod na pangkomunidad ay gumagaw nito dahil sa kanilang malayang kagustuhan o pagpapasya.

Sila ay nagsasagawa nito dahil sa:

                     Mga hukuman, bilang kapalit at bilang karagdagan sa ibang mga tadhanang parusa (mga sanksiyon) ng hustisyang pangkrimen. Mga paaralan, upang maabot ang mga pangangailangan ng isang estudyante at klase. Mga paraan ng guro sa pagtuturo upang maabot ang pangarap ng mga estudyante. Mga magulang na nagbibigay gabay at proteksiyon sakanilang mga anak. Hindi madali ang mga bagay na to, pero kung determinado ka talaga sa isang bagay ay magagawa mo iyon ng maayos. Matuto tayong wag dumepende sa iba. Sa lahat ng bagay ay dapat may malasakit parin tayo sa kapwa. Sa simpleng paraan ay makakagawa na tayo ng serbisyo ng walang kapalit. Nawa'y tumatak sa isipan natin na alam ng Diyos ang mga ginagawa nating pagtulong sa iba at siya na ang bahala sa mga biyayang ipakakaloob niya sa atin.

Ekonomiya ng Pilipinas

#6


             Sa ating pagkaka-alam ang ekonomiya ay ang paga-aral na naglalaman ng mga pangyayari sa isng bansa kung saan nalalaman nating ang pagbabago nito sa paglipas ng mga taon. Binubuo rin ito ng sistemang ekonomiko: ang trabaho, puhunan, pinagkukunang lupain, produksiyon, pagmamanupaktura, pangangalakal, distribution, at marami pang iba. Maari din sabihin ang sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa, dito din malalaman kung ang isang bansa ay maunlad, papaunlad, o mahirap. Matipid na pamamahala ng mapagkukunan, tulad ng pera. materyales, o paggawa. Ang sambahayan na badyet ang kulang sa ating bansa. Sistema pang-ekonomiyang aktibidad sa isang bansa, rehiyon, o kumunidad. Mahusay, matipid, at konserbatibong paggamit ng mga limitadong gamit.

              Isang halimbawa ay ang pangingibang bansa ng ating mga kababayan upan kumita ng mas mataas sa inaasahan, ang paglungsad ng ibang mga proyekto na siya nga namang nagpapakilala sa ating bansa at ang pagtatayo ng ibang programa na makakatulong upang mas madagdagan ang mga pinoy na kumikita dito sa Pilipinas lalo na ang mga may tinapos naman. Sa pagtaas man o pag-baba ng ekonomiya ng Pilipinas ay kapansin-pansin parin ang pag dadamayan ng bawat isa sa atin. Sana ay magpatuloy ang mga magagandang kaugalian ng mga pinoy anuman ang sapitin ng ating bansa.


RESPETO: Diyos, Gobyerno, Magulang, at Kapwa

#5


                Ano nga ba ang respeto? Nakikita pa ba ito sa mga tao ngayon? lalo na sa mga bata? Ano ano ang mga bagay na kailangan i-respeto? Respeto sa sairili at respeto sa ibang tao. Pareho itong mahalga sa panahon ngayon. Sa totoo lang ay nawawala na ang salitang respeto sa atin ngayon. May mga bata sa kalye na sobra sobra magmura, daig pa ang mga matatanda. Pero bago ang lahat dapat ang respeto ay magaling muna mismo sa sarili mo. Paano ka rerespetuhin ng mga nasa paligid mo kung ang sarili mo mismo ay hindi mo marespeto at hindi karespe-respeto. 

                 Nakakalungkot lang isipin na pati sa mga bata ay nawawalan na ng gantong ugali. Yung mga tipong simpleng pagsagot nila sa magulang at pagsuway. Marami narin ang nakakalimot sa pag sabi ng "po at opo" na isa sa kilalang paraan ng mga pilipino sa paggalang. Yung pagmamano sa mga matatanda at pag sunod sa mga utos nila. Eleksyon nanaman at marami nanamang magkakalaban na politiko ang magbabangayan. Respeto naman sana sa magiging desisyon ng taong bayan wag daanin ang mga bagay sa pera. Hindi sa lahat ng oras ay kayang bilhin ng pera. Pangsusulsol sa mga taong bayan. Pwede pa natin mabago ang lahat. Ibalik ang mga tamang gawin at ugali para ang ating bansa ay umunlad. Lagi natin tandaan na nasa tao ang gawa.

Friday, March 8, 2013

Pabahay sa Mahihirap

#4


              Ang pabahay sa mahihirap o yung mga taong naninirahan sa tabi ng riles ng tren ay isang proyekto ng gobyerno sa ating bansa. Ito ay nagbibigay daan at pag-asa sa mga taong walang natutuluyan. Alam naman nating lahat na ang mga tao sa gilid ng tren ay dumadami na, pati mga anak nila ay dumadami na. May mga panahon na nagkakasakit na ang mga bata dahil sa maduming kapaligiran. Ito ay hindi maganda, kaya't ang ating gobyerno ay nagpatayo ng mga bahay sa iba't ibang lugar sa maynila para ipakaloob sa mga mahihirap. Sa aking pagkakaalam ay hindi ito buong ibibigay kundi babayarin din sa mababang halaga, pag rerenta din. May mga bahay nga sila wala namang ding pangbayad sa kuryente at utang. Mababa lang din ang sweldo na kanilang natatanggap.

                Kinuwento sa akin ng aming kasambahay na isa siya sa mga napakalooban ng pabahay sa Montalban. Ito daw may tamang laki na pwede na sakanila ng kanyang anak. Hindi rin daw ito madali dahil may mga inspector na nagbabantay sakanilang bahay. Ang patakaran doon ay dapat may maabutang tao na nakatira doon kapag ang mga inspector ay kumakot sa pintuan, ngunit kapag sila ay walang naabutan ay lalagyan ng "X" ang pinto. Pag ito ay umabot sa tatlong X ay mapapaalis na ang tao doon. Mahirap din para sa amin kasi kapag may pasok ay kailangan rin pa minsan minsan umuwi ng aming kasambahay. Simpleng bagay lang ito. Sana sa susunod na taon ay may libre naring kuryente at tubig sa mga mamamayan na katulad nila hindi kayang tumustos ng mga ganitong gastusin.