Friday, March 8, 2013

Pabahay sa Mahihirap

#4


              Ang pabahay sa mahihirap o yung mga taong naninirahan sa tabi ng riles ng tren ay isang proyekto ng gobyerno sa ating bansa. Ito ay nagbibigay daan at pag-asa sa mga taong walang natutuluyan. Alam naman nating lahat na ang mga tao sa gilid ng tren ay dumadami na, pati mga anak nila ay dumadami na. May mga panahon na nagkakasakit na ang mga bata dahil sa maduming kapaligiran. Ito ay hindi maganda, kaya't ang ating gobyerno ay nagpatayo ng mga bahay sa iba't ibang lugar sa maynila para ipakaloob sa mga mahihirap. Sa aking pagkakaalam ay hindi ito buong ibibigay kundi babayarin din sa mababang halaga, pag rerenta din. May mga bahay nga sila wala namang ding pangbayad sa kuryente at utang. Mababa lang din ang sweldo na kanilang natatanggap.

                Kinuwento sa akin ng aming kasambahay na isa siya sa mga napakalooban ng pabahay sa Montalban. Ito daw may tamang laki na pwede na sakanila ng kanyang anak. Hindi rin daw ito madali dahil may mga inspector na nagbabantay sakanilang bahay. Ang patakaran doon ay dapat may maabutang tao na nakatira doon kapag ang mga inspector ay kumakot sa pintuan, ngunit kapag sila ay walang naabutan ay lalagyan ng "X" ang pinto. Pag ito ay umabot sa tatlong X ay mapapaalis na ang tao doon. Mahirap din para sa amin kasi kapag may pasok ay kailangan rin pa minsan minsan umuwi ng aming kasambahay. Simpleng bagay lang ito. Sana sa susunod na taon ay may libre naring kuryente at tubig sa mga mamamayan na katulad nila hindi kayang tumustos ng mga ganitong gastusin.

3 comments: