Sunday, February 24, 2013

House Bill no. 6069 and Senate Bill no. 3130

#3


           Bacolod Representative Anthony Golez authored the House Bill No. 6069, an act corporatizing public hospitals. The bill, which was already passed in the House of Representative on May 16, 212, aims at turning public medical facilities into government-owned and controlled corporations (GOCCs)         

          


              Another law, Senate Bill No. 3130 (National Government Hospital Corporate Restructuring Act) pushed by Senator Franklin Drilon is now pending and is expected to be pressed before the Senate after the opening of Congress on July 31.



Reaksiyon:

                     Para sa akin ay maganda ang panukala ng Pangulo na gawing pribado and mga ospital ngunit hindi ba nila napansin na madami ang naghihrap sa panahon ngayon at walang sapat na kita para sila ay  magsingil ng napakalaki. Alam nating lahat na marami nang ospital sa ating bansa na maganda a ng pasilidad. Hindi naman din natin maiiwasan yung mag kasakit, mahirap na kung yung sakit na yon ay kailangan ng mataas na panggamot. Hindi lahat ng tao ay kaya ito, swerte nalang kung mataas ang kita. May nabalitaan ako ng mga libreng serbisyo sa iban lalawigan ng bansa natin. May mga kompanya narin na nagbibigay benepisyo katulad nalang sa kompanya ng pinagtratrabahuan ng aking tatay, kaming lahat sa pamilya ay may "health card", bawat isa ay naglalaman ng Php 100,000.00, pwede itong gamit kapag may bigalng pangyayari o sakit na kailangan gamutin ay i-presenta lamang ang card na ito. Pantay pantay na serbisyo sana ang binibigay ng pamahalaan. Magbigay pa sana sila ng opurtunidad para sa mga walang trabahong mamamayan. Unahin ang nararapat, huwag maging maka-sarili. Isipin parin ang ikakabuti ng pangkalahatan. Magtulungan tayo, hindi pa huli ang lahat para sa kapayapaan.

                       





















"Ipaglalaban ko ang Nararapat": NAKPIL

#2


                         
                Marami paring magsasaka ang patuloy na lumalaban para sa karapatan nilang makuha ang napangakong lupa. Hindi matapos tapos itong issue na to. Patuloy parin umaasa ang mga magsasaka, katulad nalang ni Francisco Nakpil, hindi sa nawalan ng pag-asa. Ang kwento ng buhay niya ay makikita at mapapansin niyo sa pagsasaka niya, kung gaano siya kasipag. Kahit sobrang liit lamang ng kanyang sahod ay pinagkakasiya niya ito. Hindi madali ito, bawat araw na ginawa ng Poong Maykapal ay lagi silang nakayuko at bilad na bilad sa araw. Ni minsan ay hindi nila naisip na sumuko. 

                   Magbukas sana ang damdamin at kaisipan ng mga gobyerno. Magaling lang naman sila kapag eleksyon, nagsasalita lang sila kapag malapit na ang eleksyon pero pagtapos mo sila botohin ay mawawala nalang bigla bigla. Dumaan na ang madaming dekada at wala paring nangyayari. Si Nakpil na taga Tarlac, ay isang mahirap na magsasaka, hindi natin maitatanggi na siya ay patuloy sa paglaban ng karapatan niya. Ayon sa aking lolo, nabanggit niya na sa 15 na taon, si Nakpil ay nakakatanggap ng isang sakong bigas, sahod na Php 9.00 lamang bawat araw, at loan para sa edukasyon na Php 4000 tuwing hunyo. Mababa lamang ang kanyang natatanggap sa isang taon. Hangga't maaga ay pagdesisyunan na. Ibigay na ang nararapat na lupain sa mga tunay na may-ari. Sobrang laki ng hacienda luisita, kung ibibigay nila ito sa magsasaka ay may pag-asa pang umunlad ang ating bansa. Huwag natin sila kalimutang tulungan kahit sa simpleng pamamaraan and munting bagay. Alam natin mapupunta sa mabuting kamay kung ano man ang ibahagi ng gobyerno sa mabuti at napagisipang paraan.