Sunday, February 24, 2013

"Ipaglalaban ko ang Nararapat": NAKPIL

#2


                         
                Marami paring magsasaka ang patuloy na lumalaban para sa karapatan nilang makuha ang napangakong lupa. Hindi matapos tapos itong issue na to. Patuloy parin umaasa ang mga magsasaka, katulad nalang ni Francisco Nakpil, hindi sa nawalan ng pag-asa. Ang kwento ng buhay niya ay makikita at mapapansin niyo sa pagsasaka niya, kung gaano siya kasipag. Kahit sobrang liit lamang ng kanyang sahod ay pinagkakasiya niya ito. Hindi madali ito, bawat araw na ginawa ng Poong Maykapal ay lagi silang nakayuko at bilad na bilad sa araw. Ni minsan ay hindi nila naisip na sumuko. 

                   Magbukas sana ang damdamin at kaisipan ng mga gobyerno. Magaling lang naman sila kapag eleksyon, nagsasalita lang sila kapag malapit na ang eleksyon pero pagtapos mo sila botohin ay mawawala nalang bigla bigla. Dumaan na ang madaming dekada at wala paring nangyayari. Si Nakpil na taga Tarlac, ay isang mahirap na magsasaka, hindi natin maitatanggi na siya ay patuloy sa paglaban ng karapatan niya. Ayon sa aking lolo, nabanggit niya na sa 15 na taon, si Nakpil ay nakakatanggap ng isang sakong bigas, sahod na Php 9.00 lamang bawat araw, at loan para sa edukasyon na Php 4000 tuwing hunyo. Mababa lamang ang kanyang natatanggap sa isang taon. Hangga't maaga ay pagdesisyunan na. Ibigay na ang nararapat na lupain sa mga tunay na may-ari. Sobrang laki ng hacienda luisita, kung ibibigay nila ito sa magsasaka ay may pag-asa pang umunlad ang ating bansa. Huwag natin sila kalimutang tulungan kahit sa simpleng pamamaraan and munting bagay. Alam natin mapupunta sa mabuting kamay kung ano man ang ibahagi ng gobyerno sa mabuti at napagisipang paraan.



   











2 comments:

  1. heheheh wynona isa lng gobyerno nation so u should use "ng ating gobyerno instead of ng mga gobyerno" :)

    ReplyDelete