Saturday, January 26, 2013

Mga Suliranin ng Agrikultura sa Pilipinas

#1

                     Sa ating panahon ngayon ay usap-usapan parin ang mga issue tungkol sa mga suliranin ng agrikultura sa ating bansa. Samot sari parin itong mga issue sa Pilipinas, katulad nalang ang madalas na pagbagyo sa ating bansa. Pangalawa, nagkukulang parin ang suporta ng pamahalaan ng gobyerno, tulad ng suliranin sa irigrasyon, at kakulangan ang initiatibo sa panahon ng tag tuyot at marami pang iba. 

                   Ang  sektor ng Agrikultura ay isa sa mga pangunahing ikinabubuhay ng bansa. Ang mga magsasaka ang pangunahing taga-gawa dito, maghapong naka-yuko para sa kanin na ihahain sa ating mga lamesa at kakauntiung budget ng pamilya. Kaya ang matagal nilang hinaing: "kailan nila mabibigyang pansin ang aming pagtitiis at paghihirap?"

                    Hindi natin maipapagkaila na mahirap talaga ang Pilipinas pagdating sa agrikultura, kasi hanggang ngayon ay marami paring magsasaka ang nagrereklamo sa mga pinangakong lupa ng pamahalaan sakanila. Hindi matapos tapos ang daing nila. Alam nating lahat na iyon lamang ang pangkabuhayan nila, pero ngunit sa simpleng hectaryang lupa lamang ay hindi nila maibigay. Sabi nga ng mga nagdaan nangg Presidente ay marami na silang nagawa ukol dito sa mga suliranin ngunit bakit may mga tao parin ang patuloy na kumakalaman ang mga sikmura sa bawat araw na wala silang ma-ani at makain. Kwento sa akin ng aking lola ay matagal na itong mga suliranin na ito, panahon palang ng Kastila dahil noon daw kontrolado na ng mga prayle ang mga lupa na ito at ni minsan ay hindi sila binigyan ng pagkakataon na mabigyan ng lupa. Lupa at katarungan lamang ang ipinaglalaban nila. Ayon nga sa balita, kaya daw hanggang ngayon ay hindi parin paipamahagi ang mga lupa sa Hacienda Luisita ay dahil sa sobrang laki ng utang ng mga magsasaka ay wala na natirang lupa sakanila.

Courtesy of Google:















   
                            
                  May karapatan parin sila kahit papano. Paano nalang kung wala sila? Ano na ang kakainin ng mga tao ngayon? Makikita niyo naman sakanila ang pagsisipag at pagsasakripisyo. Sana matauhan na ang pamahalaan na kahit papano ay makadama sila ng konting awa. Kahit ang mismong mga anak nila ay nagsasakrispisyo makatulong lang sa kanila magulang. Hindi na sila nakakapag-aral. Hindi na sila mabibigyan ng pagkakataong madama ang kasiyahan at kalayaan ng isang bata. Pati sila naghihirap. Alam kong isa lamang akong estudyante ngunit kahit sa simpleng pag gawa nito ay makatulong ako ipaglaban ang karapatan nila.

3 comments:

  1. may ilang mga salita na mali ang pagbaybay wynona.. :)

    ReplyDelete
  2. Hirap magtagalog miss :) kaloka! sorry po!

    ReplyDelete
  3. Casino de las vegas - DrmCD
    Casino 영천 출장안마 de las vegas, NV. 7777 Casino Drive, Las Vegas, 포항 출장샵 NV, 89103 | (702) 770-3100 오산 출장안마 · Toll Free: 800-777-2446 동해 출장샵 · Hours: Mon - Fri 화성 출장마사지 - Sat,

    ReplyDelete